Monday, August 8, 2011

Tunay nga naman, Ako'y Pilipino


Tunay nga naman, masasabi kong ako'y Pilipino o Pinoy kung tawagin sa modernong panahon.

Bilang isang Pilipino ay mahirap. Mahirap pagdating sa mga tradisyon. Sa pananamit. Sa pag-uugali. Sa tamang asal at sa iba't ibang katangian na meron ang isang Pilipino.

Little Brown Monkeys kung tawagin ng mga Amerikano subalit, hindi nagpapatalo ang mga Pilipino sa kahit anumang laban - tulad nalang ni Pacquiao.



Kung inyong papansinin, ako ang may gawa niyang larawan na iyan. Bakit ko ito nagawa? Dahil sa ako'y nababagot at marami ang mga masasamang alaala ang napapadpad sa aking isipan ngayon, nais ko'y makagawa ng isang tinatawag nilang "art" upang ipahagi sa mundo ang pagiging Pilipino ko.

Ang una kong ginawa para marating iyan, ay gumuhit muna ako sa isang papel. Nang natapos ako, akin ito kinuhaan ng larawan at initrace sa Adobe Illustrator CS5 ginamit ko ang 7pts na stroke brush at iyan ang naging resulta. Pen tool lang ang ginamit ko upang magawa iyan.

Kapag ika'y nababagot, kumuha ka lang ng lapis at papel, at sigurado ako, may magagawa ka!

0 comments:

Post a Comment