Saturday, September 17, 2011

Ang Dulot ng Internet Saakin

Halos lahat na ng kabataan ngayon ay may sariling account sa mga social networking sites tulad ng Facebook o hindi kaya Twitter. Meron din naman mga iba yung blog tulad ng Tumblr o Blogger. Maraming nagsikalat na mga website sa mundo ng internet na hindi natin alam kung mabuti ba ito o hindi.

Ako'y isang estudyante na kung saan mahilig ako sa mga ganitong gawain - ang pag-iinternet. Paminsan nagiging droga na ito saakin. Marahil siguro hindi makatulog kung hindi kontento sa aking nagawa sa pag-gagamit nito. Isa ring dahilan kung bakit parang droga ang internet saakin ay dahil naadik na ako paminsan sa pag gamit nito. Tila paminsan walang hinto ang mga darili sa pagpindot ng isang letra mula sa iyong keyboard na lalabas sa monitor. Nako naman! Ang hirap pala 'eh ano?

Kanina nagmeeting kame sa SACSI dahil isa ako sa mga volunteer facilitator na maghahandle ng SIMO para sa batch ko(2nd year) sa aming paaralan. Aba, ang paksa namin kanina ay tungkol sa Facebook. Kung ano ba ang nagagawa saakin ng Facebook. O hindi kaya, kung ano ang nararamdaman natin sa pag gamit nito. Marami kameng naisagot(malamang mga adik kaya kame sa Facebook). Naging mainit na ang usapan hanggang dumating sa punto na napaisip ako at napasabi sa utak ko "Oo nga pala."

Ang daming dulot ng internet sa buhay ko. Ang pagiging ako. Ang paano ako naging ako. At kung sino ba talaga ako.

0 comments:

Post a Comment