Thursday, September 8, 2011

Selos

Selos. Ano ba ang nasa isip mo sa tuwing nakakadinig ka ng salitang selos? Marahil ito ay pagseselos sa isang tao o sa isang bagay. Maraming puwede maging dahilan ng salitang 'selos'. Maari ito maging selos sa isang babae o lalake na nilalandi ang iyong mahal. Maari itong selos sa iyong kapatid na paborito ng iyong mga magulang. Maari itong selos sa iyong kaklase na may ispesyal na abilitad o hindi kaya marangal na buhay.


Maraming puwedeng pagsimulan ang selos. Ngunit, ano ba ang nararamdaman mo sa tuwing nakakadama ka nito? Ito ay parang masakit na hindi mo maintindihan sapagkat walang anu mang salita ang makakapag hambing sa salitang ito.


Maraming magsyota ang nag-aaway dahil sa salitang ito. Oo, ito'y hindi maiiwasan. Kahit anong iwas mo, makakadama ka parin ng selos. Kahit sabihin natin, kayo na ang perpektong magsyota sa buong mundo, ngunit, meron punto sa inyong buhay na mag-aaway kayo dahil nagseselos kayo. Huwag po tayo magkunwari na hindi natin ito naramdaman.

0 comments:

Post a Comment