Matagal-tagal din nang huli ako nag-blog. Busy kasi. Daming ginagawa. Punta rito. Punta roon. Nako! Walang hintong pagtratrabaho. Kakapagod ang buhay. Gusto ko muna magpahinga. Yung walang academics, o hindi kaya ibang organizations. Yung ikaw lang talaga mag-isa. Wala kang kasama. Isang araw, gagawin ko iyan. Manonood ng cine ng mag-isa. Magouting ng mag-isa. Pumunta ng ibang lugar na mag-isa. Saya siguro ng feeling, eh ano?
Pangako ko sa sarili ko, one day... gagawin ko yang lahat nang nasabi ko sa itaas. O siya, mamaya na iyan. Bakit nga ba ako nagblog ngayon? Anong naisipan ko upang gumawa ng panibagong post? Wala. Random post lang ito. Share lang ako ng hihinakit ko, o hindi kaya mga saloobin ko. Madami kasi eh. Kakainis. Kakaiyak. Kakatuwa. Ako ba'y isang baliw? Hays.
Dami kong inaalala. Global Warming. Coal Power Plant. Bagyo. Land Slide. Sunog. Buhawi. Mga hindi nakakakain. Mga walang tirahan. Mga batang lansangan. Mga may Cancer. Mga may Dengue. Mga may problema. Corruption. Economic Crisis. Lahat na problema ko rin.
0 comments:
Post a Comment