Bawat bagay sa ating paligid ay may tunog. Kahit ang walang silbing kalat na meron tayo sa ating bag, may tunog. Ang chitchitria na kinakain mo habang binabasa itong blog na ito ay may tunog. Ang bawat tic - tic - tic ng keyboard mo upang makapagtype ka lang, may tunog. Lahat na ata dito ay may tunog. Walang bagay ang walang tunog.
Ano nga ba ang tunog? Sound ito sa ingles. Ito yung ating naririnig. Ang tunog ay papasok sa ating outer ear patungo sa ating ear canal tapos sa ating ear drum... enough of this nerd talk. (This is not a anatomy subject by the way) Importante nga ba ang tunog sa ating buhay? Paano ito nagiging parte ng ating buhay?
Ang tunog ay importante sa ating buhay, dahil ito ang nagsisilbing daan natin sa araw-araw na gawain. Tulad na lamang ng mga taong tumatawid sa daanan. Ang tunog ay ang nagpapatulong sa atin upang bigyan tayo ng babala kung may paparating bang sasakyan o wala. Ang bawat tunog na ating maririnig ay pumapasok agad sa ating mga utak upang tukuyin kung anong tunog ba iyon.
Ang swerte mo na kung nakakarinig ka. May mga ibang tao hindi binigyan ng pagkakataon upang makarinig. Kaya't matuto tayo magbigay ng halaga sa bawat simpleng tunog na ating maririnig. Malay mo, sa hinaharap, kapag tayo'y tatanda, hanap hanapin mo ang tunog na iyong parating naririnig pero hindi mo na marinig...
0 comments:
Post a Comment