Thursday, May 19, 2011

Ang Larawan ng Nakaraan

 

Hindi ko maintindihan kung bakit ako mahilig sa mga larawan na mukang luma. Isa lamang ang lawaran na nasa itaas sa mga larawan na inedit ko upang maging luma. Ewan ko kung bakit ako mahilig sa mga larawan na ganito. Ang alam ko lang masaya ako kung meron ako larawan na mukang luma. Mahilig talaga ako sa mga luma. Feeling ko, ang tanda tanda ko talaga.
Isa nga sa mga pangarap ko ang gumawa ng isang short film tungkol saakin. Syempre ang theme ay retro. Yung mukang luma na astig! Imba kung baga. Balang araw, magagawa rin ako 'nun at kung mangyayari iyon, sobrang saya ko ata.
Ang isang tulad ko na mahilig sa mga luma ay may ibig sabihin yan. Ewan ko kung ano iyon subalit parang sumasalamin ito kung sino ka at kung ano ka.

0 comments:

Post a Comment