Thursday, May 19, 2011

Bilang isang estudyante

Napakahirap maging isang estudyante. Trabaho para dito. Trabaho para doon. Lalo na kung ang iyong guro ay galit saiyo at lahat ng mabibigat na trabaho ay ibibigay saiyo. Mahirap talaga maging isang estudyante. Kailangan mo magpuyat upang magawa lamang ang mga kailangan mong tapusin para mameet ang deadline. Kung hindi mo kasi magawa, zero ang labas ng iyong takdang-aralin o 'di kaya ng iyong activities.

Nako. Paminsan nasasabi ko sa sarili ko, "Kung sumuko na kaya ako? Wag nalang ako mag-aral." Pero inisip ko rin na wala akong kinabukasan nito kung susuko ako. Kaya ipinagpatuloy ko lang aking pag-aaral.

Sa sandaling ito, ako'y gumagawa ng trabaho ng aming guro. Ang mag organize ng mga gawa naming proyekto. Nakakapagod nga eh. Pero ayos lang. Basta makakatulong lang sa aking pag-aaral.

Bilang isang estudyante ay mahirap subalit sa pamamagitan ng kasipagan, sigurado'y makakapasa ka sa mga kursong ipinasok mo tulad ng pinaggagawa ko ngayon.

0 comments:

Post a Comment