Wednesday, August 31, 2011

Ang Hirap

Kakatapos lamang ng aking klase. At balak kong gumawa ng requirement sa CS223 - Data Structure subalit, parang tinatamad pa ako. Kinukuha ko pa ang aking sigla sa pagpipindot sa bawat letra, numbero, at symbolo na meron ang aking keyboard sa Computer. Ito naman ako, nag-iinternet, naghahanap ng puwedeng kababaliwan. Nagfafacebook lamang ako, naghahanap ng mga bagong balita tungkol sa mga tao. Tulad lamang ng nakita ko bago bago lang, tungkol sa mga libro na gawa ng ating kababayan. Siguro nga, maganda iyon, kaya't bibili ako ng mga librong iyon kung may pera at kung meron dito.

Balik tayo sa kwento, ang hirap nga naman maging isang estudyante lalo na para saakin sapagkat ako'y isang officer sa aming kolehiyo(CSIT - College of Science and Information Technology) sa aming paaralan(Ateneo de Zamboanga University). Pagsabayin mo ang pag-aaral at ang magiging pangulo ng isang organisasyon. Pero gusto ko ito eh. Nais ko ito. Kaya't pipilitin ko at gagawain ko ang lahat para lang magampanan ko ang mga trabaho ko.

Buti nalang at may mga tao dyan na nagbibigay ng inspirasyon saakin. Tulad nalang ng aking pamilya na kung saan sila'y parati kong iniisip sa tuwing kumukuha ako ng pag-susulit para makapasa. Ang mahal ko sa buhay, ginagalingan ko rin upang maganahan siya sa kanyang pag-aaral. Mga kaibigan na kung saan, sila ang nagpapatawa o hindi kaya't binibigyan ako ng pwersa upang magawa ko ang mga ginagawa ko. At huli sa lahat, ang Diyos na kung saan siya ang dahilan ng lahat ng aking ginagawa.

Sana ang mga taong nakakabasa nito ay makakakuha ng daan o inspirasyon na wag sumuko sa buhay kahit ito'y mahirap. Basta't lahat ay ilalay sa Diyos, tutulungan ka nito. 

0 comments:

Post a Comment