Monday, August 29, 2011

Ang Ngiti na Walang Katulad

Isang larawan na ang kumuha ay isang matalik na kaibigan. Sa sobrang talik, iba na ang paningin ko sa kanya. Ako'y masaya na naging kaibigan ko siya. Ako'y masaya na nariyan siya. Ako'y masaya dahil sa kanya. Sa oras na ito kame'y nagtatampo sa isa't isa. Siguro dahil sa hindi pagkakaunawaan o hindi kaya may nagawa ako na hindi niya nagustuhan.


Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Nilalambing ko na siya pero mukang galit pa ata siya saakin. Ayaw ko matulog na galit siya saakin o hindi kaya may nararamdaman siyang ewan saakin. Sa ngayon, gusto ko lamang makita siya at sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Yung tipong, hihinto muna ang buong mundo upang masabi ko ang salitang "mahal kita."

Sabi niya saakin nagugustuhan niya ang larawang iyan kasi nga stolen kung baga, hindi ko alam na kinuhaan niya pala ako. Ang ngiting iyan ay nagsisimbolo kung gaano ako kasaya na kasama ka. Ngunit isang lihim ang nariyan sa ngiting iyan. At iyon ay mahal kita.

Post Process:
Adobe Photoshop CS5
Levels,  Colors, Opacity and Fill

0 comments:

Post a Comment