Monday, August 29, 2011

Ang Tunay na Kaibigan

Sa punto ng buhay kong ito, naalala ko ang mga pangyayari na kung saan kame'y nagtatawanan, nakikipagtalo, nagkakatampuhan, at higit sa lahat nag-uusap ng aming mga sikreto. Makamiss ang mga tunay kong kaibigan. Hindi ko makakalimutan ang mga sandali na kame'y nagtatawanan sa isang lamesa dahil sa mga kwentong hindi namin inaasahan. Ang mga iyakan na minsan pinapayaan lang namin ang isa't isa sasabihin nalang namin yan "wag niyo kulitin, lalo lang yan iiyak."

Sa punto ito ng aking buhay, kailangan ko sila. Na kung saan ako'y nalulungkot, at sila lang ang nakakakilala ang tunay na ako. Namimiss ko sila. Siguro nga dahil iba't ibang daan ang aming nilalakaran ngayon. Sana balang araw, magsama sama kame ulit tatlo. At mangyari ang mga nangyari sa nakaraan.

0 comments:

Post a Comment