Sunday, September 25, 2011

Define M-A-L-A-N-D-I

Ewan ko kung bakit ko ba ito naisipan i-blog. Marahil ako'y bored o hindi kaya, sadyang nagpapakita lang talaga itong salitang ito sa aking mga mata.

Ano nga ba ang "MALANDI"? o "flirt" sa Ingles. Siguro nasabihan ka na ng iyong kaibigan o ng ibang tao na, "Ang landi landi mo" o hindi kaya "Malandi ka" o mga iba, "Bakit ang landi mo?" Aaminin ko, marami na ako narinig na ganoon galing sa ibang tao na binabato saakin. "Oo, malandi ako." yan ang maisagot ko sa kanila. Bakit, masama ba ang lumandi? Siguro masama ito kung ako'y nasa isang relasyon. Pero ako'y single. Ako'y malaya. Kaya puwedeng lumandi.

Paano lumandi? Siguro kapag inaakit mo ang isang tao gamit ang iyong matatamis na pananalita o hindi kaya gamit ang iyong magagandang (siguraduhin mo lang na maganda nga talaga yan) mata. Mga iba naman, gamit ang kanilang mga katawan.


Sa panahon ngayon, ang daming mga bata ang mga malalandi. Mga 14 years old palang, marunong na lumandi. Nako nako. Kailangan ng mga magagandang asal ang mga batang ito. Aaminin kong, malandi ako. Oo, pero sa tamang oras at panahon lamang.

Ang larawan na makikita niyo sa kanan ay isa sa masasabi kong malanding litrato ko. Bakit? Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa porma. Sa ngiti at sa tingin. Ikaw, sa tingin mo, anong malandi dyan?

0 comments:

Post a Comment