Sunday, September 25, 2011

Post Process in Sta. Cruz

Required sa PE-103 namin ang pumunta sa Sta. Cruz Island para magsnorkel. Well, bigyan ko muna kayo ng brief introduction sa Sta. Cruz Island...

Sta. Cruz Island is located near Zamboanga City. Mga 30 minutes to one hour ang biyahe depende sa alon at sa bilis ng alon. Tinatawag na "Pink Sand Island" din ito. Siguro dahil sa mga corals na kulay pula at parang naghiwa hiwa at nagkalat sa buhangin kaya't tinawag itong pink sand. 

Pero siguro dahil na rin sa dulot ng turista, hindi ko masyado nagustuhan ang nasabing isla. Bakit? Dahil, nakikita ko sa tubig, ang daming nakakalat na basura. Hindi ito kaaya aya tingnan sa paligid. Nang nagsnorkel naman kame. Aba, laking tuwa ko. Ang gaganda ng mga nilalang sa ilalim ng dagat. Parang nasa isang paraiso ako. Nakaramdam ako ng tuwa at kalayaan doon.

__________________________________________________

Isa sa mga larawan ko ay makikita niyo sa ibaba. Nandyan ang original picture at ang edited picture. Ano ang pagkaiba? Color. Ginawa ko ng parang vintage ang edited picture. Ayun lang. haha! Ginawa ko ito sa Adobe Photoshop CS5. Color balance. Curves. Fill color. Opacity. Hue and Saturation. Etc.


0 comments:

Post a Comment