Hindi ko alam kung sino ang babaeng ito, basta't alam ko, maganda siya. Siya'y aking iginuhit noong nakaraan pa at naisipan kong kulayan ngayon. Ginamit ko ang Adobe Photoshop CS5 para makulayan ito gamit lamang ang brush tool.
Ano ang tumulak saakin upang magawa itong art na ito? Una sa lahat, siya mismo ang nagtulak saakin upang magawa ito. Siya rin ang may dahilan kung bakit nagkaroon ako ng inspirasyon para magawa ang mga ganito. Dahil, una sa lahat, hindi ako mahilig gumawa o gumuhit ng mga babae sapagkat ito'y mahirap lalo na ang buhok, ngunit kung ika'y may inspirasyon, walang hirap ang makikita kung hindi, lahat mga magagandang pangitain tulad nito, na aking natapos.

0 comments:
Post a Comment